-
1 Cronica 28:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 “At ikaw, anak kong Solomon, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang buong puso+ at may kagalakan,* dahil sinusuri ni Jehova ang lahat ng puso,+ at nalalaman niya ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang makita mo siya,+ pero kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.+
-
-
2 Cronica 7:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Pero kung tatalikuran ninyo ako at susuwayin ninyo ang mga batas at utos na ibinigay ko sa inyo at maglilingkod kayo sa ibang mga diyos at yuyukod sa mga ito,+ 20 bubunutin ko ang Israel mula sa lupain ko na ibinigay ko sa kanila,+ at aalisin ko sa paningin ko ang bahay na ito na pinabanal ko para sa aking pangalan, at gagawin ko itong isang bagay na pag-uusapan* at pagtatawanan ng lahat ng tao.+
-