Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 21:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Nagpadanak din si Manases ng napakaraming dugo ng inosenteng mga tao hanggang sa mapuno niya ang buong Jerusalem;+ hindi pa kasama rito ang kasamaang ginawa niya nang udyukan niya ang Juda na magkasala at gumawa ng masama sa paningin ni Jehova.

  • Isaias 59:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Tumatakbo ang mga paa nila para gumawa ng masama,

      At nagmamadali sila sa pagpatay ng inosente.+

      Masama ang iniisip nila;

      Lagi silang nagdudulot ng kapahamakan at pagdurusa.+

  • Jeremias 2:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Ang damit mo ay namantsahan ng dugo ng mga dukhang walang-sala,+

      Kahit hindi ko sila nakitang nanloloob;

      Punô ng mantsa ng dugo ang damit mo.+

  • Panaghoy 4:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Iyon ay dahil sa mga kasalanan ng mga propeta niya, sa mga pagkakamali ng mga saserdote niya,+

      Na nagpadanak ng dugo ng mga matuwid sa gitna niya.+

  • Mateo 23:34, 35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Dahil sa kasamaan ninyo, kapag nagsugo ako sa inyo ng mga propeta+ at marurunong na tao at mga pangmadlang tagapagturo,+ papatayin ninyo at ibabayubay sa tulos ang ilan sa kanila,+ at ang iba ay hahagupitin ninyo sa inyong mga sinagoga at pag-uusigin+ sa bawat lunsod. 35 Kaya mananagot kayo sa lahat ng dumanak na dugo ng matuwid na mga tao, mula sa dugo ng matuwid na si Abel+ hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Barakias, na pinatay ninyo sa pagitan ng templo at ng altar.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share