Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 24:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sumuko si Jehoiakin na hari ng Juda sa hari ng Babilonya,+ kasama ang kaniyang ina, mga lingkod, mga pinuno, at mga opisyal sa palasyo;+ at binihag siya ng hari ng Babilonya sa ikawalong taon ng pamamahala nito.+

  • 2 Hari 24:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ipinatapon niya si Jehoiakin+ sa Babilonya;+ kinuha rin niya sa Jerusalem ang ina ng hari, mga asawa ng hari, mga opisyal nito sa palasyo, at ang mga prominenteng tao sa lupain, at ipinatapon niya ang mga ito sa Babilonya.

  • 2 Cronica 36:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Si Jehoiakin+ ay 18 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya sa Jerusalem nang tatlong buwan at 10 araw; at patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova.+ 10 Sa simula ng taon,* ipinakuha siya ni Haring Nabucodonosor para dalhin sa Babilonya,+ kasama ang mahahalagang kagamitan ng bahay ni Jehova.+ At si Zedekias na kapatid ng kaniyang ama ang ginawa nitong hari sa Juda at Jerusalem.+

  • Jeremias 24:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Pagkatapos, may ipinakita sa akin si Jehova na dalawang basket ng igos na nasa harap ng templo ni Jehova, matapos ipatapon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang anak ni Jehoiakim na si Jeconias,*+ na hari ng Juda, kasama ang matataas na opisyal ng Juda, ang mga bihasang manggagawa, at ang mga panday;* dinala niya sila mula sa Jerusalem papuntang Babilonya.+

  • Jeremias 29:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ito ang nilalaman ng liham na ipinadala ng propetang si Jeremias mula sa Jerusalem sa iba pang matatandang lalaki ng ipinatapong bayan, sa mga saserdote, sa mga propeta, at sa buong bayan, na ipinatapon ni Nabucodonosor sa Babilonya mula sa Jerusalem, 2 pagkatapos umalis sa Jerusalem ni Haring Jeconias,+ ng inang reyna,+ ng mga opisyal sa palasyo, ng iba pang matataas na opisyal ng Juda at ng Jerusalem, at ng mga bihasang manggagawa at mga panday.*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share