Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 11:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sa araw na iyon, muling iaabot ni Jehova ang kamay niya, sa ikalawang pagkakataon, para kunin ang mga natira sa bayan niya na nasa Asirya,+ Ehipto,+ Patros,+ Cus,+ Elam,+ Sinar,* Hamat, at mga isla sa dagat.+

  • Isaias 35:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang mga tinubos ni Jehova ay babalik+ at pupunta sa Sion nang humihiyaw sa kagalakan.+

      Kokoronahan sila ng walang-hanggang kaligayahan.+

      Magbubunyi sila at magsasaya,

      At maglalaho ang pagdadalamhati at pagbubuntonghininga.+

  • Jeremias 29:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At hahayaan kong makita ninyo ako,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At titipunin ko ang mga binihag sa inyo mula sa lahat ng bansa at lugar kung saan ko kayo pinangalat,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At ibabalik ko kayo sa lugar na pinagmulan ninyo noong ipatapon ko kayo.’+

  • Jeremias 31:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Ibabalik ko sila mula sa lupain ng hilaga.+

      Titipunin ko sila mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.+

      Kasama nila ang bulag at ang pilay,+

      Ang babaeng nagdadalang-tao at ang nanganganak, lahat sila.

      Babalik sila rito bilang isang malaking kongregasyon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share