31 “Salakayin ninyo ang bansang payapa,
Na namumuhay nang panatag!” ang sabi ni Jehova.
“Wala itong mga pinto at halang; namumuhay sila nang nakabukod.
32 Ang mga kamelyo nila ay nanakawin,
At ang marami nilang alagang hayop ay sasamsamin.
Pangangalatin ko sila sa lahat ng direksiyon,
Sila na ang mga buhok sa sentido ay ginupit,+
At pasasapitan ko sila ng kapahamakan mula sa lahat ng direksiyon,” ang sabi ni Jehova.