-
2 Cronica 36:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
-
-
Daniel 9:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Ikaw ay matuwid, O Jehova, samantalang kami ay laging nagdadala ng kahihiyan sa sarili namin, gaya ngayon—sa buong Israel, kasama na ang mga taga-Juda at ang mga nakatira sa Jerusalem, ang mga nasa malapit at malayo, sa lahat ng lupain kung saan mo sila pinangalat dahil hindi sila naging tapat sa iyo.+
-
-
Daniel 9:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 O Jehova, ikaw na laging kumikilos nang matuwid,+ pakisuyo, pawiin mo ang iyong galit at poot sa iyong lunsod na Jerusalem, ang iyong banal na bundok; ang Jerusalem at ang iyong bayan ay naging tampulan ng pandurusta ng lahat ng nasa palibot namin dahil sa mga kasalanan namin at mga pagkakamali ng mga ninuno namin.+
-