Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Kaya magagawa ninyong kainin ang laman ng inyong mga anak na lalaki, at kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.+

  • Deuteronomio 28:53-57
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 53 Kaya kakainin ninyo ang sarili ninyong anak,* ang laman ng mga anak ninyong lalaki at babae+ na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng kaaway ninyo.

      54 “Kahit ang pinakamaselan at pihikang lalaki sa inyo ay hindi maaawa sa kaniyang kapatid o mahal na asawa o buháy pang anak, 55 at hindi siya mamimigay ng laman ng kaniyang anak na kakainin niya, dahil wala nang matitira sa kaniya sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng inyong kaaway sa mga lunsod ninyo.+ 56 At ang maselan at pihikang babae sa inyo na hindi man lang maisayad sa lupa ang paa niya dahil sa sobrang selan+ ay hindi maaawa sa kaniyang mahal na asawa o sa anak niyang lalaki o babae, 57 kahit pa sa inunan na lumabas sa sinapupunan* niya at sa anak na isinilang niya. Palihim niyang kakainin ang mga ito dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng inyong kaaway sa lunsod ninyo.

  • Jeremias 19:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At ipakakain ko sa kanila ang laman ng mga anak nila, at kakainin ng bawat isa ang laman ng kaniyang kapuwa, dahil sa panggigipit sa kanila at sa kawalang-pag-asa kapag pinalibutan sila ng kanilang mga kaaway at ng mga nagtatangkang pumatay sa kanila.”’+

  • Panaghoy 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Pinakuluan ng mahabaging mga babae ang sarili nilang mga anak.+

      Naging pagkain sila sa panahon ng pagdadalamhati dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng bayan ko.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share