-
Ezekiel 45:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
45 “‘Kapag hinati-hati ninyo ang lupain bilang mana,+ dapat kayong mag-abuloy kay Jehova ng isang banal na bahagi mula sa lupain.+ Dapat na 25,000 siko* ang haba nito at 10,000 siko ang lapad.+ Ang kabuoan nito* ay magiging isang banal na bahagi. 2 Mula sa lupaing iyon, isang kuwadradong bahagi ang ilalaan para sa banal na lugar, 500 siko ang haba at 500 siko ang lapad,+ at magiging pastulan ang 50 siko sa bawat panig nito.+
-