Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 40:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Inilagay niya ang altar ng handog na sinusunog+ sa pasukan ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, para maihandog niya sa ibabaw nito ang handog na sinusunog+ at handog na mga butil, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

  • Levitico 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “‘Pagkatapos, papatayin ang batang toro sa harap ni Jehova; ang dugo ay ihahandog ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote,+ at iwiwisik nila ang dugo sa lahat ng panig ng altar,+ na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.

  • Levitico 8:18-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kinuha niya ngayon ang lalaking tupa na handog na sinusunog, at ipinatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng lalaking tupa.+ 19 Pagkatapos, pinatay iyon ni Moises at iwinisik ang dugo sa lahat ng panig ng altar. 20 Pinagputol-putol niya ang lalaking tupa, at sinunog ni Moises ang ulo, ang mga piraso, at ang taba* para pumailanlang ang usok. 21 Hinugasan niya ng tubig ang mga bituka at mga binti, at sinunog ni Moises ang buong lalaking tupa para pumailanlang mula sa altar ang usok. Iyon ay handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy. Iyon ay handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

  • Ezekiel 45:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ang saserdote ay kukuha ng dugo mula sa handog para sa kasalanan, at ilalagay niya iyon sa poste ng pinto ng templo,+ sa apat na kanto ng ikatlong bahagi ng altar, at sa poste ng pintuang-daan sa maliit na looban.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share