-
Bilang 18:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Palapitin mo rin ang iyong mga kapatid mula sa tribo ni Levi, ang tribo ng iyong ninuno, para makasama mo sila at makapaglingkod sila sa iyo+ at sa iyong mga anak sa harap ng tolda ng Patotoo.+ 3 Gagampanan nila ang kanilang pananagutan sa iyo at sa buong tolda.+ Pero huwag silang lalapit sa mga kagamitan ng banal na lugar at sa altar para walang sinumang mamatay, sila man o kayo.+
-