Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 32:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Isang hari+ ang mamumuno para sa katuwiran,+

      At may mga prinsipeng mamamahala para sa katarungan.

  • Isaias 60:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sa halip na tanso ay magdadala ako ng ginto,

      At sa halip na bakal ay magdadala ako ng pilak,

      Sa halip na kahoy, tanso,

      At sa halip na bato, bakal;

      At aatasan ko ang kapayapaan bilang tagapangasiwa mo

      At ang katuwiran bilang tagapagbigay-atas mo.+

  • Jeremias 22:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 ‘Pero ang mga mata at puso mo ay nakatuon sa panlilinlang para makinabang,

      Sa pagpapadanak ng dugo ng mga inosente,

      At sa pandaraya at pangingikil.’

  • Jeremias 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na magpapasibol ako mula kay David ng isang matuwid na sibol.*+ At isang hari ang mamamahala+ nang may unawa at magtataguyod ng katarungan at katuwiran sa lupain.+

  • Ezekiel 22:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Ang mga pinuno sa gitna niya ay parang mga lobo* na nanlalapa ng biktima; nananakit sila at pumapatay ng tao* para sa di-tapat na pakinabang.+

  • Ezekiel 46:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Hindi puwedeng palayasin ng pinuno ang bayan sa pag-aari nila para kunin ang mana nila. Dapat na mula sa sarili niyang pag-aari ang ibibigay niyang mana sa mga anak niya, para walang sinuman sa bayan ko ang mapaalis sa pag-aari nito.’”

  • Mikas 3:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sinabi ko: “Makinig kayo, pakisuyo, kayong mga ulo ng sambahayan ni Jacob

      At kayong mga pinuno ng sambahayan ng Israel.+

      Hindi ba dapat ay alam ninyo kung ano ang makatarungan?

       2 Pero napopoot kayo sa mabuti+ at iniibig ninyo ang masama;+

      Binabalatan ninyo ang bayan ko at inaalis ang laman mula sa mga buto nila.+

       3 Kinakain din ninyo ang laman ng aking bayan+

      At binabalatan sila,

      Binabasag ang kanilang mga buto, dinudurog ang mga ito,+

      Gaya ng nasa lutuan,* gaya ng karne sa isang lutuan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share