-
Ezekiel 46:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
46 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dapat na manatiling nakasara ang silangang pintuang-daan ng maliit na looban+ sa loob ng anim na araw ng pagtatrabaho,+ pero dapat na nakabukas ito sa araw ng Sabbath at sa araw ng bagong buwan. 2 Papasok ang pinuno sa beranda ng pintuang-daan,+ at tatayo siya sa tabi ng poste ng pintuang-daan. Ihahain ng mga saserdote ang kaniyang buong handog na sinusunog at mga haing pansalo-salo, at yuyukod siya sa may bungad ng pintuang-daan at saka lalabas. Pero hindi isasara ang pintuang-daan hanggang sa gabi.
-