-
Levitico 2:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 “‘Kung mag-aalay ka ng handog na mga butil na niluto sa pugon, dapat na gawa ito sa magandang klase ng harina—hugis-singsing na mga tinapay na walang pampaalsa na hinaluan ng langis o maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis.+
5 “‘Kung mag-aalay ka ng handog na mga butil na inihanda sa malapad na lutuan,+ dapat na gawa ito sa magandang klase ng harina na walang pampaalsa at hinaluan ng langis.
-