Awit 29:3, 4 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 3 Ang tinig ni Jehova ay naririnig mula sa ibabaw ng mga tubig;Ang tinig ng maluwalhating Diyos ay gaya ng kulog.+ Si Jehova ay nasa ibabaw ng maraming tubig.+ 4 Ang tinig ni Jehova ay makapangyarihan;+Ang tinig ni Jehova ay marilag. Ezekiel 1:24 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 24 Nang marinig ko ang pagaspas ng mga pakpak nila, para itong rumaragasang tubig, gaya ng tinig ng Makapangyarihan-sa-Lahat.+ Kapag umaalis sila, parang may ugong ng isang hukbo. Kapag humihinto sila, ibinababa nila ang mga pakpak nila. Juan 12:28, 29 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” At isang tinig+ ang nanggaling sa langit: “Niluwalhati ko ito at luluwalhatiing muli.”+ 29 Narinig iyon ng mga naroroon at sinabing kulog iyon. Sinabi naman ng iba: “Kinausap siya ng isang anghel.”
3 Ang tinig ni Jehova ay naririnig mula sa ibabaw ng mga tubig;Ang tinig ng maluwalhating Diyos ay gaya ng kulog.+ Si Jehova ay nasa ibabaw ng maraming tubig.+ 4 Ang tinig ni Jehova ay makapangyarihan;+Ang tinig ni Jehova ay marilag.
24 Nang marinig ko ang pagaspas ng mga pakpak nila, para itong rumaragasang tubig, gaya ng tinig ng Makapangyarihan-sa-Lahat.+ Kapag umaalis sila, parang may ugong ng isang hukbo. Kapag humihinto sila, ibinababa nila ang mga pakpak nila.
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” At isang tinig+ ang nanggaling sa langit: “Niluwalhati ko ito at luluwalhatiing muli.”+ 29 Narinig iyon ng mga naroroon at sinabing kulog iyon. Sinabi naman ng iba: “Kinausap siya ng isang anghel.”