9 “Patuloy akong tumingin hanggang sa may ilagay na mga trono at umupo+ ang Sinauna sa mga Araw.+ Ang damit niya ay puting gaya ng niyebe,+ at ang buhok sa ulo niya ay gaya ng malinis na lana. Ang trono niya ay mga liyab ng apoy; ang mga gulong nito ay nagniningas na apoy.+
13 “Pagkatapos, may nakita pa ako sa mga pangitain ko noong gabi. Dumarating ang isang gaya ng anak ng tao+ na kasama ng mga ulap sa langit; at pinayagan siyang lumapit sa Sinauna sa mga Araw,+ at dinala nila siya sa harap Niya.