-
Jeremias 32:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 “O Kataas-taasang Panginoong Jehova, ikaw ang gumawa ng langit at lupa sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan mo+ at ng unat mong bisig. Walang imposible sa iyo. 18 Nagpapakita ka ng tapat na pag-ibig sa libo-libo pero pinagbabayad mo ang mga anak sa pagkakamali ng kanilang mga ama.+ Ikaw ang tunay na Diyos, ang dakila at makapangyarihan, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo. 19 Dakila ang layunin mo at makapangyarihan ang mga gawa mo,+ ikaw na nagmamasid sa lahat ng landasin ng mga tao,+ para ibigay sa bawat isa ang ayon sa kaniyang landasin at mga ginagawa.+
-