Isaias 1:11 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 11 “Ano ang pakinabang ko sa marami ninyong handog?”+ ang sabi ni Jehova. “Sawa na ako sa inyong mga lalaking tupa bilang handog na sinusunog+ at sa taba ng pinataba ninyong mga hayop,+At hindi ako nalulugod sa dugo+ ng mga batang toro+ at mga kordero* at mga kambing.+ Amos 5:22 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 22 Kahit na maghain kayo sa akin ng mga buong handog na sinusunog at ng mga handog na kaloob,Hindi ako masisiyahan sa mga iyon;+At hindi ako matutuwang tingnan ang inyong mga haing pansalo-salo na mga pinatabang hayop.+
11 “Ano ang pakinabang ko sa marami ninyong handog?”+ ang sabi ni Jehova. “Sawa na ako sa inyong mga lalaking tupa bilang handog na sinusunog+ at sa taba ng pinataba ninyong mga hayop,+At hindi ako nalulugod sa dugo+ ng mga batang toro+ at mga kordero* at mga kambing.+
22 Kahit na maghain kayo sa akin ng mga buong handog na sinusunog at ng mga handog na kaloob,Hindi ako masisiyahan sa mga iyon;+At hindi ako matutuwang tingnan ang inyong mga haing pansalo-salo na mga pinatabang hayop.+