Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 21:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Mensahe laban sa Duma:*

      May tumatawag sa akin mula sa Seir:+

      “Tagapagbantay, gaano pa katagal ang gabi?*

      Tagapagbantay, gaano pa katagal ang gabi?”

  • Ezekiel 25:12-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Naghiganti ang Edom sa sambahayan ng Juda, at nakagawa sila ng malaking pagkakasala dahil dito;+ 13 kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Gagamitin ko rin ang kapangyarihan* ko laban sa Edom at lilipulin ko ang mga tao at alagang hayop dito, at gagawin ko itong tiwangwang.+ Mula Teman hanggang Dedan, mamamatay sila sa espada.+ 14 ‘Maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng aking bayang Israel.+ Ibubuhos nila sa Edom ang aking galit at poot para matikman nito ang paghihiganti ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”’

  • Joel 3:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Pero ang Ehipto ay magiging tiwangwang,+

      At ang Edom ay magiging tiwangwang na ilang,+

      Dahil sa karahasang ginawa sa bayan ng Juda,+

      Kung saan sila nagpadanak ng dugong walang-sala.+

  • Amos 1:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ito ang sinabi ni Jehova,

      ‘Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Edom,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,

      Dahil hinabol niya ng espada ang sarili niyang kapatid,+

      At dahil hindi siya naawa;

      Sa galit niya ay patuloy niya silang nilalapa,

      At napopoot pa rin siya sa kanila.+

      12 Kaya magpapadala ako ng apoy sa Teman,+

      At tutupukin nito ang matitibay na tore ng Bozra.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share