Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 2:3-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Isang grupo ang nagdala sa kaniya ng isang paralitiko na binubuhat ng apat na lalaki.+ 4 Pero hindi nila ito mailapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya inalis nila ang bubong sa tapat ni Jesus, at ibinaba nila sa butas ang higaan kung saan nakaratay ang paralitiko. 5 Nang makita ni Jesus ang pananampalataya nila,+ sinabi niya sa paralitiko: “Anak, pinatatawad na ang mga kasalanan mo.”+ 6 Naroon ang ilang eskriba, nakaupo at nag-iisip:+ 7 “Bakit ganiyan magsalita ang taong iyan? Namumusong siya.* Hindi ba ang Diyos lang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?”+ 8 Pero alam na ni Jesus kung ano ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo nag-iisip ng ganiyan?+ 9 Alin ba ang mas madali, ang sabihin sa paralitiko, ‘Pinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing ‘Bumangon ka at buhatin mo ang higaan mo at lumakad ka’? 10 Pero para malaman ninyo na ang Anak ng tao+ ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa—”+ sinabi niya sa paralitiko: 11 “Bumangon ka, buhatin mo ang higaan mo, at umuwi ka.” 12 Kaya bumangon siya at binuhat agad ang higaan niya at lumakad palabas na nakikita ng lahat. Manghang-mangha sila, at pinuri nila ang Diyos. Sinasabi nila: “Ngayon lang kami nakakita ng ganito.”+

  • Lucas 5:18-26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At may dumating na mga lalaking buhat ang isang paralitiko na nasa higaan, at sinisikap nilang makapasok at mailapit siya kay Jesus.+ 19 Pero nahihirapan silang maipasok siya dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong, inalis ang mga tisa nito, at ibinaba ang higaan ng lalaki sa gitna ng mga tao, sa harap ni Jesus. 20 Nang makita niya ang pananampalataya nila, sinabi niya: “Lalaki, pinatatawad na ang mga kasalanan mo.”+ 21 Kaya nag-usap-usap ang mga eskriba at mga Pariseo. Sinasabi nila: “Sino ang taong ito na namumusong?* Sino ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos?”+ 22 Pero dahil alam ni Jesus kung ano ang tumatakbo sa isip nila, sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng ganiyan? 23 Alin ba ang mas madali, ang sabihing ‘Pinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing ‘Bumangon ka at lumakad’? 24 Pero para malaman ninyo na ang Anak ng tao ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa—” sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, buhatin mo ang higaan mo, at umuwi ka.”+ 25 At bumangon siya sa harap nila, binuhat ang higaan niya, at umuwi na pinupuri ang Diyos. 26 Manghang-mangha ang lahat, at pinuri nila ang Diyos, at sinasabi nila: “Nakakita kami ngayon ng kahanga-hangang mga bagay!”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share