-
Marcos 11:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at Betania+ sa Bundok ng mga Olibo, isinugo niya ang dalawa sa mga alagad niya+ 2 at sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at pagdating doon, may makikita kayong isang bisiro* na nakatali at hindi pa nasasakyan ng sinuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 3 At kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo ginagawa iyan?’ sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon; ibabalik din ito kaagad.’”
-
-
Lucas 19:28-31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Pagkasabi nito, nagpatuloy siya sa paglalakbay papuntang* Jerusalem. 29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania sa bundok na tinatawag na Bundok ng mga Olibo,+ isinugo niya ang dalawa sa mga alagad niya+ 30 at sinabi: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at pagdating ninyo roon, may makikita kayong isang bisiro* na nakatali at hindi pa nasasakyan ng sinuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Pero kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’”
-