-
Apocalipsis 12:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 At sumiklab ang digmaan sa langit: Si Miguel*+ at ang mga anghel niya ay nakipagdigma sa dragon, at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagdigma, 8 pero hindi nagtagumpay ang mga ito,* at wala na silang lugar pa sa langit. 9 Kaya inihagis ang malaking dragon,+ ang orihinal na ahas,+ ang tinatawag na Diyablo+ at Satanas,+ na nagliligaw sa buong mundo;+ inihagis siya sa lupa,+ at ang mga anghel niya ay inihagis na kasama niya.
-