Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 at kung ang bayan ko na tinatawag sa pangalan ko+ ay magpakumbaba+ at manalangin at hanapin ako at tumigil sa masasama nilang ginagawa,+ makikinig ako mula sa langit at patatawarin ko ang kasalanan nila at pagagalingin ko ang lupain nila.+

  • Awit 32:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Sa wakas ay ipinagtapat ko sa iyo ang kasalanan ko;

      Hindi ko itinago ang pagkakamali ko.+

      Sinabi ko: “Ipagtatapat ko kay Jehova ang mga kasalanan ko.”+

      At pinatawad mo ang mga pagkakamali ko.+ (Selah)

  • Awit 51:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Laban sa iyo—higit sa lahat⁠*— ay nagkasala ako;+

      Ginawa ko ang masama sa paningin mo.+

      Kaya kapag nagsasalita ka, matuwid ka;

      Tama ang hatol mo.+

  • Kawikaan 28:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi magtatagumpay,+

      Pero ang nagtatapat at tumatalikod sa mga iyon ay kaaawaan.+

  • Lucas 18:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pero ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw man lang tumingala sa langit, kundi patuloy niyang sinusuntok ang dibdib niya at sinasabi, ‘O Diyos, maawa* ka sa akin na isang makasalanan.’+

  • 1 Juan 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kung ipagtatapat natin ang mga kasalanan natin, patatawarin niya tayo sa ating mga kasalanan at lilinisin mula sa lahat ng kasamaan,+ dahil siya ay tapat at matuwid.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share