-
Mateo 20:25-27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Pero tinawag sila ni Jesus at sinabi sa kanila: “Alam ninyo na ang mga tagapamahala ng mga bansa ay nag-aastang panginoon sa mga nasasakupan nila at ipinapakita ng mga may kapangyarihan na sila ang dapat masunod.+ 26 Hindi kayo dapat maging ganiyan;+ sa halip, ang sinumang gustong maging dakila sa inyo ay dapat na maging lingkod ninyo,+ 27 at ang sinumang gustong maging una sa inyo ay dapat na maging alipin ninyo.+
-
-
Marcos 10:42-44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
42 Pero tinawag sila ni Jesus at sinabi sa kanila: “Alam ninyo na ang mga itinuturing na tagapamahala ng mga bansa ay nag-aastang panginoon sa mga nasasakupan nila at ipinapakita ng mga may kapangyarihan na sila ang dapat masunod.+ 43 Hindi kayo dapat maging ganiyan; sa halip, ang sinumang gustong maging dakila sa inyo ay dapat na maging lingkod ninyo,+ 44 at ang sinumang gustong maging una sa inyo ay dapat na maging alipin ng lahat.
-