Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 27:22-26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sinabi sa kanila ni Pilato: “Ano naman ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Kristo?” Sinabi nilang lahat: “Ibayubay siya sa tulos!”+ 23 Sinabi niya: “Bakit? Ano ba ang ginawa niyang masama?” Pero lalo nilang inilakas ang sigaw: “Ibayubay siya sa tulos!”+

      24 Nang makita ni Pilato na hindi nakabuti ang ginawa niya kundi nagkagulo pa nga ang mga tao, kumuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. Sinabi niya: “Wala akong kasalanan sa dugo ng taong ito. Kayo na ang may pananagutan diyan.” 25 Kaya sumagot ang buong bayan: “Kami at ang mga anak namin ang may pananagutan sa dugo niya.”+ 26 Pagkatapos, pinalaya niya si Barabas, pero ipinahagupit niya si Jesus+ at ibinigay sa mga sundalo para ibayubay sa tulos.+

  • Marcos 15:12-15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Muli, sumagot si Pilato sa kanila: “Ano naman ang gagawin ko sa tinatawag ninyong Hari ng mga Judio?”+ 13 Muli silang sumigaw: “Ibayubay* siya sa tulos!”+ 14 Pero sinabi pa sa kanila ni Pilato: “Bakit? Ano ba ang ginawa niyang masama?” Pero lalo nilang inilakas ang sigaw: “Ibayubay siya sa tulos!”+ 15 Para pagbigyan ang kagustuhan ng mga tao, pinalaya ni Pilato si Barabas; at pagkatapos maipahagupit si Jesus,+ ibinigay niya ito sa mga sundalo para ibayubay sa tulos.+

  • Juan 19:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Dahil dito, patuloy na naghanap si Pilato ng paraan para mapalaya siya. Pero sumigaw ang mga Judio: “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ni Cesar. Ang sinuman na ginagawang hari ang sarili niya ay nagsasalita laban* kay Cesar.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share