2 Dahil ang malasakit ko* sa inyo ay gaya ng malasakit* ng Diyos, dahil ako mismo ang nangako na ipakakasal ko kayo sa isang lalaki,* ang Kristo, at gusto kong iharap kayo sa kaniya bilang isang malinis* na birhen.+
25 Mga asawang lalaki, patuloy na mahalin ang inyong asawang babae+ kung paanong inibig ng Kristo ang kongregasyon at ibinigay ang sarili niya para dito,+
9 Dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok na punô ng pitong huling salot,+ at sinabi niya sa akin: “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaeng ikakasal, ang mapapangasawa ng Kordero.”+