21 Binigyang-pansin ni Jehova si Sara gaya ng sinabi niya, at tinupad ni Jehova ang pangako niya.+ 2 Kaya nagdalang-tao si Sara+ at nagsilang ng isang anak na lalaki kay Abraham kahit matanda na ito, sa panahong ipinangako rito ng Diyos.+ 3 Isaac ang ipinangalan ni Abraham sa anak niya kay Sara.+