-
Gawa 14:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Sa Listra ay may nakaupong isang lalaking lumpo mula nang ipanganak. Hindi pa siya nakalakad kahit kailan. 9 Nakikinig siya kay Pablo habang nagsasalita ito. Nang tingnan siyang mabuti ni Pablo, nakita nitong may pananampalataya siya at naniniwalang mapagagaling siya,+ 10 kaya sinabi nito nang malakas: “Tumayo ka.” At lumukso siya at nagsimulang lumakad.+
-