-
1 Corinto 3:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Dahil kapag sinasabi ng isa, “Kay Pablo ako,” pero sinasabi naman ng iba, “Kay Apolos+ ako,” hindi ba gaya lang din kayo ng mga tao sa sanlibutan?
5 Sino ba si Apolos? Sino si Pablo? Mga lingkod+ lang na nagsasagawa ng gawaing ibinigay ng Panginoon at tumulong lang para maging mananampalataya kayo.
-
-
1 Corinto 3:21-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Kaya huwag ninyong ipagmalaki ang mga tao; dahil sa inyo ang lahat ng bagay, 22 maging si Pablo o si Apolos o si Cefas*+ o ang sanlibutan o ang buhay o ang kamatayan o ang mga bagay na narito ngayon o ang mga bagay na darating, ang lahat ng bagay ay sa inyo; 23 kayo naman ay kay Kristo;+ at si Kristo naman ay sa Diyos.
-