-
Roma 15:26, 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Dahil ang mga nasa Macedonia at Acaya ay buong pusong nag-abuloy para sa mahihirap na kapatid* sa Jerusalem.+ 27 Buong puso nilang ginawa iyon, pero ang totoo, nadama rin nilang obligasyon nila iyon; dahil kung nakibahagi sila sa mga bagay na ibinigay ng Diyos sa* mga Judio, dapat silang mag-abuloy para sa materyal na pangangailangan ng mga ito.+
-
-
2 Corinto 8:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 pero mapupunan ng inyong labis sa ngayon ang kailangan nila at ng labis nila ang kailangan ninyo para magkaroon ng pagpapantay-pantay.
-