-
Hebreo 12:22-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Pero kayo ay lumapit sa isang Bundok Sion+ at isang lunsod ng Diyos na buháy, ang makalangit na Jerusalem,+ at sa napakaraming* anghel 23 na nagkakatipon,+ at sa kongregasyon ng mga panganay na nakatala sa langit, at sa Diyos na Hukom ng lahat,+ at sa espirituwal na buhay+ ng mga matuwid na ginawa nang perpekto,+ 24 at kay Jesus na tagapamagitan+ ng isang bagong tipan,+ at sa iwinisik na dugo, na nagsasalita nang nakahihigit kaysa sa dugo ni Abel.+
-