-
Genesis 41:18-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 At mula sa Nilo ay umahon ang pitong magaganda at matatabang baka, at nanginain ang mga iyon sa damuhan ng Nilo.+ 19 Kasunod ng mga iyon ay umahon ang pito pang baka, na mahihina, napakapangit, at payat. Hindi pa ako nakakita ng ganoon kapangit na mga baka sa buong lupain ng Ehipto. 20 At nilamon ng payat at pangit na mga baka ang pitong matatabang baka. 21 Pero pagkatapos nilang lamunin ang mga iyon, walang makakahalata na ginawa nila iyon, dahil payat at pangit pa rin sila gaya noong una. At nagising ako.
-