18 At sa pamamagitan ng iyong supling,*+ ang lahat ng bansa sa lupa ay makakakuha ng pagpapala para sa sarili nila dahil pinakinggan mo ang tinig ko.’”+
10 Ang setro ay hindi hihiwalay kay Juda,+ at ang baston ng kumandante ay hindi maaalis sa pagitan ng mga paa niya, hanggang sa dumating ang Shilo,*+ at magiging masunurin dito ang mga bayan.+
16 Ngayon, ang mga pangako ay ibinigay kay Abraham at sa kaniyang supling.+ Hindi sinabi ng kasulatan na “at sa mga supling mo,” na marami ang tinutukoy. Ang sabi ay “at sa supling mo,” na isa lang ang tinutukoy, si Kristo.+