Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 33:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Kapag dumadaan ang kaluwalhatian ko, ipupuwesto kita sa isang uka ng malaking bato, at tatakpan kita ng kamay ko hanggang sa makadaan ako. 23 Pagkatapos, aalisin ko ang kamay ko, at makikita mo ang likod ko. Pero hindi puwedeng makita ang aking mukha.”+

  • Bilang 12:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Nakikipag-usap ako sa kaniya nang mukhaan.*+ Malinaw kong sinasabi ang mga gusto kong sabihin, at hindi sa pamamagitan ng mga bugtong; nakikita niya ang anyo ni Jehova. Kaya bakit hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”

  • Deuteronomio 34:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Pero hindi na nagkaroon ng propeta sa Israel na gaya ni Moises,+ na kilalang-kilala ni Jehova.+

  • Juan 1:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Walang taong nakakita sa Diyos kailanman;+ ang kaisa-isang Anak na tulad-diyos+ at nasa tabi ng Ama+ ang nakapagpaliwanag kung sino ang Ama.+

  • Juan 6:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 46 Hindi ibig sabihin nito na may taong nakakita sa Ama;+ ang nakakita lang sa Ama ay ang isa na nanggaling sa Diyos.+

  • Gawa 7:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 38 Siya ang kasama ng kongregasyon sa ilang at ang kinausap ng anghel+ sa Bundok Sinai noong kasama niya ang ating mga ninuno, at narinig niya ang buháy na salita ng Diyos,* na ipinaalám naman niya sa atin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share