Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 14:49-53
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 49 Para maging malinis ang bahay mula sa karumihan,* kukuha siya ng dalawang ibon, kahoy ng sedro, matingkad-na-pulang sinulid, at isopo.+ 50 Papatayin niya ang isang ibon sa ibabaw ng isang sisidlang luwad na may sariwang tubig. 51 At kukunin niya ang kahoy ng sedro, isopo, matingkad-na-pulang sinulid, at buháy na ibon at isasawsaw ang mga iyon sa sariwang tubig na may halong dugo ng pinatay na ibon, at patutuluin niya iyon sa bahay nang pitong ulit.+ 52 At lilinisin niya ang bahay mula sa karumihan* sa pamamagitan ng dugo ng ibon, sariwang tubig, buháy na ibon, kahoy ng sedro, isopo, at matingkad-na-pulang sinulid. 53 At pakakawalan niya ang buháy na ibon sa parang sa labas ng lunsod, at magbabayad-sala siya para sa bahay, at iyon ay magiging malinis.

  • Bilang 19:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 At ang saserdote ay kukuha ng kahoy ng sedro, isopo,+ at matingkad-na-pulang sinulid at ihahagis ang mga iyon sa apoy na pinagsusunugan sa baka.

  • Bilang 19:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 “‘Titipunin ng isang taong malinis ang abo ng baka+ at ilalagay iyon sa isang malinis na lugar sa labas ng kampo, at iyon ay dapat itabi para magamit ng bayang Israel sa paghahanda ng tubig na panlinis.+ Ito ay handog para sa kasalanan.

  • Awit 51:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Dalisayin mo ako mula sa kasalanan ko sa pamamagitan ng isopo, para maging malinis ako;+

      Hugasan mo ako, para maging mas maputi ako kaysa sa niyebe.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share