23 Sinabi niya sa kanila: “Iyon ang sinabi ni Jehova. Bukas ay araw ng pamamahinga,* isang banal na sabbath para kay Jehova.+ Iluto ninyo ang kailangan ninyong lutuin, at pakuluan ninyo ang kailangang pakuluan;+ at itabi ninyo hanggang kinaumagahan ang anumang matitira.”
13 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Higit sa lahat, sundin ninyo ang batas ko sa mga sabbath,+ dahil iyon ay isang tanda sa pagitan natin sa lahat ng henerasyon ninyo para malaman ninyo na akong si Jehova ang nagpapabanal sa inyo.