-
2 Cronica 8:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Ginawa niya ang nakatakdang gawain sa araw-araw at naghandog siya ayon sa utos ni Moises para sa mga Sabbath,+ mga bagong buwan,+ at mga itinakdang kapistahan tatlong ulit sa isang taon+—ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa,+ ang Kapistahan ng mga Sanlinggo,+ at ang Kapistahan ng mga Kubol.*+
-
-
Nehemias 10:32, 33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
32 Nanata rin ang bawat isa sa amin na magbibigay kami ng sangkatlo ng isang siklo* taon-taon bilang suporta sa paglilingkod sa bahay* ng aming Diyos,+ 33 para sa magkakapatong na tinapay,*+ sa araw-araw na paghahain ng handog na mga butil,*+ sa handog na sinusunog tuwing Sabbath+ at bagong buwan,+ at para sa mga nakatakdang kapistahan,+ sa mga banal na bagay, sa mga handog para sa kasalanan+ bilang pambayad-sala ng Israel, at para sa lahat ng gawain sa bahay ng aming Diyos.
-