15 Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+ Oo, sa unang araw, dapat ninyong alisin ang pinaasim na masa sa mga bahay ninyo, dahil ang sinumang* kumain ng may pampaalsa mula sa unang araw hanggang sa ikapito ay aalisin* sa Israel.
6 “‘Ang ika-15 araw ng buwang ito ay Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa para kay Jehova.+ Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+
8 Kaya ipagdiwang natin ang kapistahan,+ hindi gamit ang lumang masa na may lebadura o ang lebadura ng kasamaan at kasalanan, kundi gamit ang walang-pampaalsang* tinapay ng kataimtiman at katotohanan.