-
Exodo 18:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 Pero dapat kang pumili mula sa bayan ng mga lalaking may kakayahan,+ natatakot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at hindi tiwali;+ at atasan mo sila bilang mga pinuno ng libo-libo, ng daan-daan, ng lima-limampu, at ng sampu-sampu.+ 22 Sila ang hahatol sa bayan kapag may bumangong usapin; ilalapit nila sa iyo ang mahihirap na usapin,+ pero sila na ang hahatol sa maliliit na usapin. Gagaan ang iyong trabaho kapag ibinahagi mo sa kanila ang iyong pasan.+
-