Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 4:14-16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Kaya galit na galit si Jehova kay Moises, at sinabi Niya: “Hindi ba kapatid mo si Aaron+ na Levita? Alam kong napakahusay niyang magsalita. At paparating na siya para makita ka. Kapag nakita ka niya, tiyak na magsasaya siya.*+ 15 Kausapin mo siya at sabihin mo sa kaniya ang mga sinabi ko,+ at ako ay sasainyo habang nagsasalita kayo,+ at ituturo ko sa inyo ang dapat ninyong gawin. 16 Siya ang makikipag-usap sa bayan para sa iyo, at siya ang magiging tagapagsalita mo, at ikaw ay magiging parang Diyos* sa kaniya.+

  • Exodo 4:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 Sinabi sa kanila ni Aaron ang lahat ng sinabi ni Jehova kay Moises, at ginawa niya ang mga tanda+ sa harap ng bayan.

  • Exodo 15:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Pagkatapos, kumuha ng tamburin si Miriam na propetisa, na kapatid ni Aaron; sumunod sa kaniya ang lahat ng babae, at tumugtog sila ng tamburin at sumayaw.

  • Exodo 28:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 Ilalagay mo ang Urim at Tumim*+ sa pektoral ng paghatol, at ang mga iyon ay dapat na nasa tapat ng puso ni Aaron kapag pumapasok siya para humarap kay Jehova, at dapat na laging dala ni Aaron sa tapat ng puso niya ang ginagamit sa paghatol sa mga Israelita kapag humaharap siya kay Jehova.

  • Mikas 6:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  4 Dahil inilabas kita mula sa lupain ng Ehipto,+

      Sa pagkaalipin* ay tinubos kita;+

      Isinugo ko sa iyo sina Moises, Aaron, at Miriam.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share