Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukom 14:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Pinalakas siya ng espiritu ni Jehova,+ at bumaba siya sa Askelon+ at nagpabagsak ng 30 lalaki sa kanila. Kinuha niya ang damit nila at ibinigay ang mga ito sa mga nakasagot ng bugtong.+ Galit na galit siyang bumalik sa bahay ng kaniyang ama.

  • Hukom 15:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Pagkatapos ay sinabi ni Samson sa kanila: “Dahil sa ginawa ninyo, hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakagaganti sa inyo.”+ 8 At isa-isa niya silang pinabagsak at marami siyang napatay. Pagkatapos, umalis siya at nanirahan sa isang kuweba* sa malaking batong Etam.

  • Hukom 15:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 At nakakita siya ng sariwang panga ng lalaking asno; kinuha niya iyon at 1,000 lalaki ang pinabagsak niya gamit iyon.+ 16 Pagkatapos ay sinabi ni Samson:

      “Sa pamamagitan ng panga ng isang asno—isang bunton, dalawang bunton!

      Sa pamamagitan ng panga ng isang asno ay 1,000 lalaki ang pinabagsak ko.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share