-
Genesis 15:18-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Nang araw na iyon, nakipagtipan si Jehova kay Abram:+ “Ibibigay ko sa mga supling* mo ang lupaing ito,+ mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa malaking ilog, ang Ilog Eufrates:+ 19 ang lupain ng mga Kenita,+ Kenizita, Kadmonita, 20 Hiteo,+ Perizita,+ Repaim,+ 21 Amorita, Canaanita, Girgasita, at Jebusita.”+
-
-
1 Hari 9:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 Kung tungkol sa lahat ng natira sa mga Amorita, Hiteo, Perizita, Hivita, at mga Jebusita,+ na hindi kabilang sa bayang Israel,+ 21 ang mga inapo nila na naiwan sa lupain—ang mga hindi napuksa ng mga Israelita—ay ipinatawag ni Solomon para sa puwersahang pagtatrabaho bilang mga alipin, at ganito ang kalagayan nila hanggang ngayon.+
-