Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 8:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 alalahanin ninyo na ang Diyos ninyong si Jehova ang nagbigay sa inyo ng kakayahan kaya yumaman kayo,+ para matupad niya ang tipang ipinangako niya sa inyong mga ninuno, gaya ng ginawa niya ngayon.+

  • Deuteronomio 28:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Bubuksan ni Jehova para sa inyo ang kaniyang punong-punong imbakan, ang langit, para magpaulan sa inyong lupain sa takdang panahon nito+ at para pagpalain ang lahat ng ginagawa ninyo. Magpapahiram kayo sa maraming bansa, pero hindi ninyo kakailanganing manghiram.+

  • 2 Cronica 1:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 At sinabi ng Diyos kay Solomon: “Dahil ito ang gusto mo at hindi mo hiniling ang kayamanan, ari-arian, at karangalan o ang kamatayan ng mga napopoot sa iyo, at hindi ka rin humiling ng mahabang buhay,* kundi humiling ka ng karunungan at kaalaman para mahatulan mo ang bayan ko na ibinigay ko sa iyo para pamahalaan mo,+ 12 ibibigay sa iyo ang karunungan at kaalaman; pero bibigyan din kita ng kayamanan at ari-arian at karangalan na hindi nakamit ng sinumang haring nauna sa iyo at hindi makakamit ng sinumang haring susunod sa iyo.”+

  • Job 42:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Kaya mas pinagpala ni Jehova ang huling bahagi ng buhay ni Job kaysa sa pasimula,+ at nagkaroon si Job ng 14,000 tupa, 6,000 kamelyo, 1,000 pares ng baka, at 1,000 babaeng asno.+

  • Kawikaan 10:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Ang pagpapala ni Jehova ang nagpapayaman,+

      At hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot.*

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share