Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 49:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Ang setro ay hindi hihiwalay kay Juda,+ at ang baston ng kumandante ay hindi maaalis sa pagitan ng mga paa niya, hanggang sa dumating ang Shilo,*+ at magiging masunurin dito ang mga bayan.+

  • 1 Hari 8:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Tinupad ni Jehova ang ipinangako niya, dahil ako ang pumalit sa ama kong si David at umupo sa trono ng Israel, gaya ng pangako ni Jehova. Naitayo ko rin ang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel,+

  • 1 Cronica 17:11-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 “‘“Kapag nagwakas na ang buhay mo gaya ng iyong mga ninuno, gagawin kong hari na kahalili mo ang iyong supling,* ang isa sa mga anak mo,+ at gagawin kong matatag ang paghahari niya.+ 12 Siya ang magtatayo ng bahay para sa akin,+ at gagawin kong matibay ang trono niya magpakailanman.+ 13 Magiging ama niya ako, at magiging anak ko siya.+ Hindi mawawala ang aking tapat na pag-ibig sa kaniya+ kung paanong nawala ito sa isa na nauna sa iyo.+ 14 Aatasan ko siya sa bahay ko at sa kaharian ko magpakailanman,+ at mananatili ang trono niya magpakailanman.”’”+

  • Awit 132:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Sumumpa si Jehova kay David;

      Hindi niya babawiin ang sinabi niya:

      “Isa sa mga supling* mo

      Ang iluluklok ko sa iyong trono.+

  • Isaias 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Ang paglawak ng pamamahala* niya

      At ang kapayapaan ay hindi magwawakas+

      Sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian

      Para itatag ito nang matibay+ at panatilihin

      Sa pamamagitan ng katarungan+ at katuwiran,+

      Ngayon at magpakailanman.

      Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.

  • Isaias 11:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Isang maliit na sanga+ ang tutubo mula sa tuod ni Jesse,+

      At isang sibol+ mula sa mga ugat niya ang mamumunga.

  • Mateo 21:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Gayundin, ang mga taong nasa unahan niya at ang mga sumusunod sa kaniya ay patuloy na sumisigaw: “Iligtas nawa ang Anak ni David!+ Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ni Jehova!+ Iligtas nawa siya, ang dalangin namin sa langit!”+

  • Mateo 22:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 42 “Ano ang tingin ninyo sa Kristo? Kaninong anak siya?” Sumagot sila: “Kay David.”+

  • Lucas 1:32, 33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Siya ay magiging dakila+ at tatawaging Anak ng Kataas-taasan,+ at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama,+ 33 at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”+

  • Juan 7:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 42 Hindi ba sinasabi sa Kasulatan na ang Kristo ay manggagaling sa supling ni David+ at sa Betlehem,+ ang nayon ni David?”+

  • Gawa 2:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 Isa siyang propeta at alam niya na ang Diyos ay nangako* sa kaniya na isa sa mga supling niya ang uupo sa kaniyang trono,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share