Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Cronica 17:23-27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Ngayon, O Jehova, maging totoo nawa magpakailanman ang pangako mo may kinalaman sa iyong lingkod at sa sambahayan niya, at gawin mo nawa ang ipinangako mo.+ 24 Manatili* nawa ang pangalan mo at maging dakila+ magpakailanman, para sabihin ng mga tao, ‘Si Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ay Diyos sa Israel,’ at maging matibay nawa ang pagkakatatag ng sambahayan ng lingkod mong si David sa harap mo.+ 25 O aking Diyos, sinabi mo sa iyong lingkod na magtatatag ka ng isang sambahayan* para sa kaniya. Kaya ang lingkod mo ay nagkaroon ng lakas ng loob na bigkasin ang panalanging ito sa iyo. 26 At ngayon, O Jehova, ikaw ang tunay na Diyos, at ipinangako mo ang mabubuting bagay na ito may kinalaman sa iyong lingkod. 27 Pagpalain mo nawa ang sambahayan ng iyong lingkod, at manatili nawa ito magpakailanman sa harap mo, dahil ikaw, O Jehova, ay nagbigay ng pagpapala, at pinagpala ito magpakailanman.”

  • Awit 89:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Natagpuan ko ang lingkod kong si David;+

      Pinahiran ko siya ng aking banal na langis.+

  • Awit 89:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Ipapakita ko sa kaniya ang aking tapat na pag-ibig magpakailanman,+

      At ang tipan ko sa kaniya ay hindi kailanman mabibigo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share