Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 31:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Kaya sinabi ni Saul sa tagapagdala niya ng sandata: “Hugutin mo ang espada mo at saksakin mo ako, para hindi ang mga di-tuling lalaking iyon+ ang sumaksak sa akin at nang hindi nila ako mapahirapan.” Pero ayaw itong gawin ng tagapagdala niya ng sandata, dahil takot na takot ito. Kaya kinuha ni Saul ang espada at sinaksak ang sarili.+

  • 1 Hari 16:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Nang makita ni Zimri na nasakop ang lunsod, nagpunta siya sa matibay na tore ng bahay* ng hari at sinunog niya ang bahay habang nasa loob siya, at namatay siya.+

  • Awit 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Pero hahatulan sila ng Diyos;

      Ipapahamak sila ng sarili nilang pakana.+

      Itaboy mo nawa sila sa dami ng kasalanan nila,

      Dahil nagrebelde sila sa iyo.

  • Awit 55:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Pero ikaw, O Diyos, ibababa mo sila sa pinakamalalim na hukay.+

      Ang mga mamamatay-tao at mapanlinlang ay hindi aabot sa kalahati ng buhay nila.+

      Pero ako, magtitiwala ako sa iyo.

  • Mateo 27:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Nang makita ng nagtraidor na si Hudas na nahatulan na si Jesus, nabagabag siya at ibinalik niya ang 30 pirasong pilak sa mga punong saserdote at matatandang lalaki+

  • Mateo 27:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Kaya inihagis niya sa templo ang mga piraso ng pilak. Pagkatapos, umalis siya at nagbigti.+

  • Gawa 1:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 (At ang taong ito mismo ay bumili ng isang bukid gamit ang bayad para sa kasamaan niya,+ at bumagsak siya na una ang ulo,* nabiyak ang katawan, at lumabas ang mga laman-loob.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share