-
2 Cronica 30:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Dahil kung magbabalik-loob kayo kay Jehova, ang mga kapatid at ang mga anak ninyo ay kaaawaan ng mga bumihag sa kanila+ at papahintulutang bumalik sa lupaing ito,+ dahil ang Diyos ninyong si Jehova ay mapagmalasakit* at maawain,+ at hindi niya kayo tatalikuran kung magbabalik-loob kayo sa kaniya.”+
-
-
Nehemias 2:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Sinabi ko pa sa hari: “Kung mabuti sa hari, bigyan nawa ako ng mga liham para sa mga gobernador sa rehiyon sa kabila ng Ilog*+ para ligtas akong makadaan doon papuntang Juda, 8 pati ng isang liham kay Asap na tagapag-ingat ng kagubatan* ng hari para bigyan niya ako ng mga troso na magagamit na biga sa mga pintuang-daan ng Tanggulan+ ng Bahay,* sa mga pader ng lunsod,+ at sa bahay na titirhan ko.” Kaya ibinigay sa akin ng hari ang mga iyon+ dahil tinulungan ako ng aking Diyos.+
-