Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 45:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Magtipon kayo at pumarito.

      Sama-sama kayong lumapit, kayong mga takas mula sa mga bansa.+

      Walang alam ang mga nagdadala ng mga inukit na imahen

      At nananalangin sa isang diyos na hindi makapagliligtas sa kanila.+

  • Jeremias 10:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  5 Gaya ng panakot ng ibon sa taniman ng pipino, hindi sila makapagsalita;+

      Kailangan silang buhatin, dahil hindi sila makalakad.+

      Huwag kayong matakot sa kanila, dahil hindi sila makapananakit,

      At hindi rin sila makagagawa ng anumang mabuti.”+

  • Daniel 5:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Sa halip, nagrebelde ka sa Panginoon ng langit,+ at ipinakuha mo ang mga sisidlang nasa kaniyang bahay.+ At uminom kayo ng alak sa mga iyon, ikaw, ang iyong mga opisyal, mga pangalawahing asawa, at iba pang asawa, at pinuri ninyo ang mga diyos na gawa sa pilak, ginto, tanso, bakal, kahoy, at bato—mga diyos na hindi nakakakita, nakaririnig, o nakaaalam ng anuman.+ Pero hindi mo niluwalhati ang Diyos na nagbibigay sa iyo ng hininga ng buhay+ at may kapangyarihan sa iyong buong pamumuhay.

  • Habakuk 2:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Ano ang silbi ng inukit na imahen

      Kapag naukit na ito ng gumawa nito?

      Ano ang silbi ng metal na estatuwa at ng nagtuturo ng kasinungalingan,

      Kahit nagtitiwala rito ang maygawa nito,

      Na gumagawa ng mga diyos na pipi at walang silbi?+

      19 Kaawa-awa ang nagsasabi sa isang piraso ng kahoy, “Gumising ka!”

      O sa isang batong di-nakapagsasalita, “Gising! Turuan mo kami!”

      Nababalutan ito ng ginto at pilak,+

      At hindi ito humihinga.+

  • 1 Corinto 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Kung tungkol sa pagkain ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na walang halaga ang idolo+ at na iisa lang ang Diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share