Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Pagkatapos, si Jehu+ na anak ni Jehosapat na anak ni Nimsi ay nakipagsabuwatan laban kay Jehoram.

      Si Jehoram at ang buong Israel ay nakabantay noon sa Ramot-gilead+ dahil kay Haring Hazael+ ng Sirya.

  • 2 Hari 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 At kinuha ni Jehu ang kaniyang pana at pinana sa likod si Jehoram, at ang palaso ay tumagos sa puso nito, at bumagsak ito sa loob ng karwaheng pandigma nito.

  • 2 Hari 10:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Pagkatapos, gumawa siya ng ikalawang liham. Ganito ang sabi: “Kung kakampi ko kayo at handa kayong sumunod sa akin, dalhin ninyo rito sa akin sa Jezreel ang mga ulo ng mga anak ng inyong panginoon bukas ng ganitong oras.”

      Ang 70 anak ng hari ay kasama ng kilalang mga tao sa lunsod na nag-aalaga sa kanila. 7 Pagkatanggap nila sa liham, kinuha nila ang mga anak ng hari at pinatay ang mga ito, 70 lalaki,+ at inilagay ang mga ulo ng mga ito sa mga basket at ipinadala ang mga iyon sa kaniya sa Jezreel.

  • 2 Hari 10:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Pagkatapos, pumasok sa bahay ni Baal si Jehu at si Jehonadab+ na anak ni Recab. Sinabi niya ngayon sa mga mananamba ni Baal: “Tumingin kayong mabuti sa paligid at tiyakin ninyo na walang mananamba ni Jehova rito, kundi mga mananamba lang ni Baal.”

  • 2 Hari 10:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 Matapos siyang mag-alay ng handog na sinusunog, sinabi ni Jehu sa mga bantay* at sa mga ayudante:* “Pumasok kayo at pabagsakin ninyo sila! Huwag ninyong hayaang makatakas ang sinuman sa kanila!”+ Kaya pinabagsak sila ng mga bantay at ng mga ayudante sa pamamagitan ng espada at inihagis sila sa labas, at tuloy-tuloy ang mga ito hanggang sa pinakaloob na santuwaryo* ng bahay ni Baal.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share