-
Hukom 20:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Nang araw na iyon, ang mga Benjaminita ay nakapagtipon mula sa mga lunsod nila ng 26,000 lalaking may espada, bukod pa sa 700 piling lalaki ng Gibeah. 16 Kasama sa hukbong ito ang 700 piling lalaki na kaliwete. Ang bawat isa sa mga ito ay asintado sa pagpapahilagpos ng bato at hindi nagmimintis kahit gabuhok.
-