-
Genesis 49:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 “Sina Simeon at Levi ay magkapatid.+ Ang kanilang mga espada ay mga sandata ng karahasan.+ 6 Huwag nawa akong mapasama sa kanila. At huwag kang makiisa sa grupo nila, O puso* ko, dahil sa galit ay pumatay sila ng tao,+ at para sa katuwaan ay pinutulan nila ng litid sa binti ang mga toro para malumpo. 7 Sumpain ang kanilang galit, dahil iyon ay malupit, at ang kanilang poot, dahil iyon ay mabagsik.+ Magkakawatak-watak sila sa Jacob, at pangangalatin ko sila sa Israel.+
-